PINAYUHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program na ipa-validate na o kaya ay papalitan ang kanilang Fuel Subsidy Cards.
Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagpapatupad muli ng programa dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa abiso ng LTFRB, kung ang card ay nawawala, expired, o inactive, kailangan na itong papalitan o ipa-validate sa LANDBANK.
Payo ng ahensya sa mga benepisyaryo, asikasuhin na ng maaga ang kanilang mga card para maiwasan ang pagkaantala sa sandalling opisyal nang ipatupad ang Subsidy Program.




