15 March 2025
Calbayog City
Overseas

President Vladimir Putin, nangakong parurusahan ang mga nasa likod ng Russia Concert Massacre

ARESTADO ang lahat ng apat na gunmen na hinihinalang responsable sa shooting massacre sa isang Concert Hall malapit sa moscow.

Kasabay nito ay ang pangako ni Russian President Valdimir Putin na tutugisin at pananagutin ang mga nasa likod ng pag-atake.

Inako ng militanteng grupong Islamic State ang pag-atake noong biyernes, subalit mayroong mga indikasyon na pinupursigi ng russia ang isang Ukranian Link.

Sa kabila ito ng pagtanggi ng Ukranian Officials na mayroong kinalaman ang Kyiv sa naturang masaker.

Ayon kay Moscow Regional Governor Andrei Vorobyov na isandaan tatlumpu’t tatlong bangkay ang narekober mula sa mga guho sa loob ng 24 oras habang mahigit isandaang iba pa ang nag-aagaw buhay.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *