POSIBLENG hindi ituloy ng Department of Transportation (DOTr) ang naunang plano na isapribado ang operations at maintenance ng LRT-2 kasama ang MRT-3.
Nagdadalawang isip ang DOTr kung dapat bang i-bid out ang concessions para sa dalawang railway system bilang isang package.
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Ito, ayon kay Transportation Undersecretary Jeremy Regino, ay dahil masyado pang maaga para i-turnover ang LRT-2 sa private sector.
Hindi pa rin nase-secure ng DOTr ang funding para sa 10.2-billion peso expansion ng LRT-2, pa-kanluran ng Recto Station, na tinawag na LRT-2 West Extension Project.
Bukod dito, ay ikinakasa rin ng ahensya ang pag-extend ng LRT-2 sa bahagi ng Rizal, kung saan tatlong istasyon ang planong idagdag sa silangan ng Antipolo station hanggang Cogeo para maibsan ang volume ng mga pasahero.