BIGO si Venus Williams sa unang Round ng Hobart International laban kay Tatjana Maria, sa score na 6-4, 6-3, bago ang kanyang pagsabak sa Australian Open.
Nakatanggap ang 45-year-old American tennis player ng Wild-Card Entry para sa unang Grand Slam Event ngayong taon.
Binigyan din ng Wild Card ang 7-time Grand Slam Singles champion, para makapaglaro sa Hobart, kung saan kinapos siya sa Sixth-Seeded na si Maria sa match na tumagal ng halos isa’t kalahating oras.
Natalo rin si Williams sa kanyang First-Round Match sa Auckland, New Zealand noong nakaraang Linggo.




