Nararanasan ang “low pressure to no water” sa mga lugar na sini-serbisyuhan ng Calbayog Water Company.
Bunsod ito ng kinakaharap na tagtuyot, dahilan para bumaba sa critical levels ang Pan-as, Pasungon at Hamonini water sources.
Sa service advisory, hinimok ng Calbayog Water ang mga konsumedor ng magtipid sa paggamit ng tubig.
Magbabalik ang dating lakas ng water pressure kapag normal na muli ang lebel ng water resources.