13 October 2025
Calbayog City
Entertainment

Lotlot De Leon, nagbabalang kakasuhan ang mga naninira sa imahe ng kanyang yumaong ina na si Nora Aunor

KUMUHA ng abogado si Lotlot De Leon upang ipagtanggol ang kanyang Right to Privacy at protektahan ang dignidad ng kanyang yumaong ina na si Nora Aunor, laban sa mga naninira sa reputasyon ng kanilang pamilya.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ng aktres ang official statement ng kanyang abogado mula sa Estur & Associates Law Firm.

Nanawagan si Atty. Mark Julius Estur sa publiko at sa media na igalang ang Right to Privacy ng kanyang kliyente, na bagaman public figure, ay entitled pa rin sa personal boundaries.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).