13 November 2025
Calbayog City
Sports

Alas Pilipinas Player Ike Andrew Barilea, pumanaw sa edad na 21

NAGLULUKSA ang volleyball community sa bansa sa biglaang pagpanaw ng rising athlete ng Alas Pilipinas Men, na si Ike Andrew Barilea.

Sa anunsyo ng national team, binawian ng buhay ang bente uno anyos na atleta, sa hindi tinukoy na dahilan.

Sa Facebook post ng alas Pilipinas, nagpaabot ang team ng simpatya at pasasalamat sa batang spiker na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).