LUMAGDA para sa bagong partnership agreement ang Department of Agrarian Reform (DAR) at National Nutrition Council (NNC).
Para ito sa ilulunsad na dietary supplementation program sa Agrarian Reform Communities sa Eastern Visayas.
Sina DAR Eastern Visayas Regional Director Robert Anthony Yu at NNC Nutrition Program Coordinator Catalino Dotollo Jr. ay pumirma ng memorandum of understanding sa DAR Regional Office para sa implementasyon ng Phase 6 ng “Tutok Kainan.”
Tutugunan ng ikinakasang programa ang mga pangangailangan ng mga buntis sa limampu’t apat na bayan sa mga lalawigan ng Leyte, Southern Leyte, Samar, Northern Samar at Eastern Samar.
Sa ilalim ng naturang partnership, magrerekomenda ang DAR ng Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOS) sa target areas na may kakayahang mag-supply ng sariwang farm products.
Ang NNC naman ang magsisilbing direct market, at bibili ng fresh food items mula sa ARBOS na kailangan para sa paghahanda ng supplemental food para sa mga buntis.