TIMBOG sa Tawi-Tawi ang limang Chinese Nationals na blacklisted na sa bansa dahil sa pagta-trabaho sa iligal na POGO Hub, habang nagtatangkang pumuslit palabas ng bansa.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), tinangka ng mga dayuhan na tumakas sa pamamagitan ng bangka.
ALSO READ:
12 kabataan, nahuli dahil sa iligal na karera ng mga motorsiklo sa Bulacan
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Bus ng Solid North suspendido ng 1 buwan matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Gayunman, nasira ang sinasakyan ng mga Tsino kaya nahuli sila ng mga awtoridad.
Kabilang ang mga ito sa foreign employees na inaresto nang salakayin ang Lucky South 99 POGO Firm sa Porac, Pampanga.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung saan nagtago ang Chinese Nationals bago sila nagtangkang tumakas.