15 March 2025
Calbayog City
Province

Lima sa pitong persons of interest sa Lopez-Cohen slay, hawak na ng PNP

LIMA mula sa pitong persons of interest sa pagdukot at pagpaslang sa beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen ang nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Marbil, tatlo ang inaresto dahil sa iba’t ibang kaso, dalawa ang sumuko at nagbigay ng kani-kanilang testimonya, at dalawa pa ang at large.

Idinagdag ni Marbil na aarestuhin din ng PNP ang dalawang at large kapag nakakalap sila ng sapat na ebidensya at sasampahan ang mga ito ng kaso.

Sa mga naunang report, dalawa mula sa pitong persons of interest ay dating pulis at isa sa mga ito ay kinilalang si Michael Angelo Guiang na umano’y middleman na kinatagpo nina Lopez at Cohen sa Capas, Tarlac noong June 21 para sa property na plano nilang bilhin.

Samantala, ang isa pang dating pulis ay kinilalang si Rommel Abuza na dinakip sa hiwalay na operasyon noong Sabado dahil sa illegal possession of firearms.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).