PATAY ang isang lider ng tribo matapos pagbabarilin sa New Bataan, Davao De Oro.
Ang biktima ay limampu’t siyam na taong gulang at nagta-trabaho rin bilang forest ranger.
ALSO READ:
Sa inisyal na imbestigasyon ng New Bataan Municipal Police Station, nilapitan ng salarin ang biktima saka pinagbabaril.
Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Naglunsad na ang pulisya ng Hot Pursuit Operation laban sa gunman habang iniimbestigahan ang motibo sa krimen.




