LIBO-libong Palestinians ang bumalik sa kani-kanilang mga tahanan sa Khan Younis sa Gaza, matapos i-pullout ng Israel ang kanilang tropa sa naturang lungsod.
Gayunman, sa pagbabalik sa kanilang lugar, nalalanghap ng mga residente ang amoy ng kamatayan sa hangin, dahil ilan sa mga bangkay ay nananatiling nakalibing sa ilalim ng mga gumuhong istruktura dahil sa giyera.
Sa paglalarawan ng mga residente, napakalawak ng naging pinsala ng digmaan na kahit ang mga hayop ay hindi makakayang tumira sa lugar.
Mayroon ding nagsabi na mistulang tinamaan ng napakalakas na lindol o delubyo ang Khan Younis, at wala nang mga bahay na maari pang tirahan.