NAKIKIPAG-ugnayan na ang Pilipinas sa mga opisyal ng Cambodia sa pagtugis sa gaming tycoon na si Charlie Atong Ang.
Nasa Cambodia na ang liaison officer ng Pilipinas sa layuning matunton si Atong Ang kung totoo ngang doon ito nagtatago.
ALSO READ:
Labingwalong lugar na kasi sa Pilipinas ang ginalugad ng mga otoridad pero hindi nahagilap si Ang.
Aminado naman si DILG Secretary Jonvic Remulla na malaking hamon ang pagtugis sa puganteng si Atong Ang dahil sa resources nito.
Gayunman kampante si Remulla na mahuhuli din si Ang gaya ni dating Congressman Arnie Teves.




