NEGATIBO sa mpox ang isang indibidwal sa Lanao Del Sur na pinaghinalaang tinamaan ng virus, ayon sa Department of Health.
Ginawa ni Health Secretary Ted Herbosa ang anunsyo matapos lumabas ang resulta ng isinagawang PCR Test sa pasyente, kahapon.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Sinabi ng kalihim na malamang na ibang viral illness ang tumama sa pasyente sa BARMM.
Unang kinumpirma ng Integrated Provincial Health Office sa Lanao del Sur na naka-admit sa isang ospital sa Marawi City ang suspected case ng mpox.
Dahil dito, isinailalim ang probinsya sa code white alert at ni-reactivate ang kanilang disease surveillance units.
