TATLUMPU’T tatlong dating Rebelde ang tumanggap ng Local Social Integration Program (LSIP) packages mula sa Provincial Government ng Samar, sa Abanador Hall, Camp Lukban, sa Catbalogan City.
Sinabi ni Samar Governor Sharee Ann Tan na binuo nila ang mga naturang programa upang mapakinabangan ng mga dating Rebelde sa kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay.
Inaasahan naman ng Gobernador na pagsisikapang mabuti ng Rebel Returnees na mapagbuti ang kanilang buhay at gampanan ang mga responsibilidad na iniatang sa kanila.
Binigyang diin naman ni 8th Infantry Division Commanding General Camilo Ligayo ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat isa upang maging matagumpay ang anti-insurgency programs ng pamahalaan.