NANGAKO si re-elected Leyte 4th District Rep. Richard Gomez na isusulong nito ang Electoral Reforms, bunsod ng malaking nagastos sa eleksyon ng ilang mga kandidato.
Sinabi ng actor-turned-politician na hindi dapat kinukunsinti ang mataas na election spending, dahil unfair ito sa mga hindi financially capable subalit mabuti ang intensyon na makapalingkod sa bayan.
ALSO READ:
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Nanalo si Gomez bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Leyte matapos makakuha ng 172,483 votes laban sa kanyang katunggali na si Dating Court of Appeals Justice Vicente Veloso III na nakapagtala ng 130,415 votes.
Idinagdag ni Gomez na nakausap na niya si Comelec Chairman George Garcia hinggil sa panukalang Electoral Reforms.
