NANAWAGAN ang Leyte Police Provincial Office (LPPO) sa publiko na iwasan ang mga espekulasyon sa pamamaril sa self-confessed drug lord at Albuera Mayoralty Candidate Kerwin Espinosa.
Sa statement, sinabi ni LPPO Director, Police Colonel Dionisio Apas Jr. na iniimbestigahan pa rin nila ang shooting incident noong April 10.
ALSO READ:
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Umapela rin si Apas sa publiko na suportahan ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad, at iwasang makasagabal sa imbestigasyon.
Mahalaga aniya ang pagtutulungan sa komunidad at pagiging mapagmatyag upang matiyak ang accountability at transparency sa buong proseso.
Sugatan si Espinosa at dalawang iba pa habang nangangampanya sa Barangay Tinag-an.
