WALA pang Pilipinong abogado na kabilang sa legal team na magtatanggol kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong kaso sa International Criminal Court (ICC).
Ito, ayon kay Vice President Sara Duterte, kasabay ng pagsasabing nasa proseso pa sila ng pagbuo ng legal team ng kanyang ama, sa pamamagitan ng paggawa ng shorlist.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Idinagdag ng bise presidente na kailangan munang maitalaga ang mga abogado at ma-clear ng korte bago siya makabalik sa Pilipinas.
Una nang inihayag ni VP Sara na pinayuhan siya ng ama na umuwi na subalit hinihintay pa niya ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya na dumating bago siya bumalik sa bansa.
