MAKAKASAMA muli ni Lebron James ang kanyang US Olympic team-mates na sina Kevin Durant at Stephen Curry, sa NBA All-Star game line-up.
Ang bagong mukha ng All-Star game ay hahatiin sa tatlong teams, kung saan dalawang teams ay bubuuin ng US players habang ang isa ay international players.
Maglalaro ang tatlong teams ng round-robin mini-tournament bago mag-faceoff ang dalawang teams sa Final game.
Sina James, Curry, at Durant na tatlong pillars ng gold medal-winning team ng USA sa 2024 Paris Olympics, ay sasamahan nila Jaylen Brown ng Boston, Jalen Brunson ng New York Knicks, at Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers.




