NAKAPAGTALA ng panibagong NBA career record ang Los Angeles Lakers Star Forward na si Lebron James, matapos makagawa ng thirthy nine thousand career points.
Nasungkit ito ni James makaraang umiskor ng three point shot sa first quarter ng laro laban sa koponan ng Utah Jazz.
Matatandaan na nitong nakaraang Pebrero ay pinangunahan ng star forward ang NBA scoring list nang maungusan ang dating Lakers Star na si Kareem Abdul-Jabbar.
Si James na 21 years na sa NBA ay nag-a-average ng 26.4 points, 8.2 rebounds, at 6.5 assists per game.