MALAPIT nang bumalik sa paglalaro sa NBA si Lebron James matapos makumpleto ang full practice session kasama ang Los Angeles Lakers.
Hindi nakapaglaro ang kwarenta anyos na si James ngayong season makaraang dumanas ng sciatica noong nakaraang buwan.
Ito ang unang beses sa karera ng NBA icon na-miss ang opening weeks ng NBA Season.
Kahapon ay kumasa ang veteran star sa five-on-five practice sa Lakers Training Facility, subalit under consideration kung babalik ito sa squad para harapin ang Utah Jazz ngayong Miyerkules.




