7 April 2026
Calbayog City
Business

Pilipinas, magkakaroon na ng sariling hybrid cars

SA mga susunod na panahon, hindi na aasa sa pag-aangkat ang Pilipinas para sa hybrid cars.

Ang Mitsubishi Motors Corporation kasi, sisimulan na ang pag-produce ng locally made hybrid cars sa kanilang planta sa Santa Rosa, Laguna.

Inanunsyo ito ng kumpanya matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ni Mitsubishi President and CEO Takao Kato sa Malakanyang.

Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, maliban sa magkakaroon na ang Pilipinas ng sariling hybrid vehicle production, may tsansa rin na mag-export ang bansa ng hybrid car.  

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).
Listen Live