Maswerteng naka ligtas ang isang vendor matapos itong tagain sa mukha kahapon, Setyembre 20, 2023 bandang 11:30 ng umaga sa Purok 2 Brgy. Begaho, Calbayog City.
Kinilala ang biktima na si Erwin Delos Reyes, apat napu’t apat (44) na taong gulang nakatira sa Purok 1 Brgy. Matobato ng nabanggit na lungsod.
Agad na sinugod sa ospital ang biktima para malapatan ng medikal na lunas ang sugat na natamo sa mukha.
Sa inisyal na imbistigasyon ng PNP Calbayog CPS ang biktima ay nasa bahay ng ina ng suspek ng biglang kinuha nito ang mahabang patalim na sandata na mas kilala na “SUNDANG” at tagain ang biktima sa mukha. Agad naman tumakbo sa taas ng kanilang bahay ang suspek at nagtago. Habang tumakbo naman palabas ng bahay ang biktima para isalba ang kanyang buhay.
Samantala, naaresto naman ang suspek na nakilala na si Randy Baldomaro, apat napu’t siyam (49) na taong gulang at nakatira sa P2 Brgy. Begaho, Oquendo Dist. Calbayog City.
Dinala ang suspek sa Calbayog CPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.