SUGATAN ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa Purok 1, Barangay Hamorawon, sa Calbayog City.
Nagtamo ng tama ng bala sa magkabilang binti ang trenta’y nueve anyos na biktima na si Renato Lucban Gentallan, residente ng naturang barangay.
Agad namang natukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na sina alyas na Alex, Aneks, at Paulo habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo sa krimen.