26 December 2025
Calbayog City
Local

Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Calbayog City

lalaki patay sa rama street calbayog city

Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Calbayog City.

Nangyari ang insidente umaga ng Aug. 14 sa Rama St. Brgy. East Awang.

Nakilala ang biktima na si Roque Rivera, 45-anyos na residente ng nasabing barangay. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng Calbayog City Police Station, nag-iigib lamang ng tubig ang biktima nang dumating ang mga suspek lulan ng motorsiklo. 

Bumaba ang angkas ng motorsiklo at saka pinaputukan ang biktima. 

miriam timan

Author
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio