MAYROON nang labing isang validated election-related incidents simula nang mag-umpisa ang national and local campaign period.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, as of March 28 ay nakapagtala na sila ng 39 suspected election-related incidents.
Aniya, mula sa 39, 23 ang validated na walang kinalaman sa eleksyon sa Mayo.
Sinabi ni Fajardo na mula naman sa 11 validated election-related incidents, lima ang isinailalim pa sa preliminary investigation habang anim ang sumasailalim sa case build-up.
Idinagdag ng police official na ilang suspek ang at-large habang ang iba pa ay incumbent government officials at mga kandidato sa halalan, bagaman hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.