30 October 2025
Calbayog City
Province

Labing isa, patay sa salpukan ng bus at pick up sa Abulug, Cagayan

PATAY ang labing isang katao na pawang sakay ng isang pick-up matapos masangkot sa aksidente sa bahagi ng Brgy. Ayaga, Abulug, Cagayan.

Nasawi ang 11 sakay ng pick up na pawang magkakamag-anak at residente sa bayan ng Allacapan.

Ang driver ng pick up na si Nestor Mangupag na residente ng Gattaran at isa pang sakay nito ay kapwa nagtamo ng sugat.

Ang driver naman ng bus ay kinilalang si Jay-jet Andrada na residente ng barangay Logac, Lal-lo, Cagayan.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, base sa pahayag ni Police Major Antonio Palattao, hepe ng PNP Abulug, galing sa isang lamay sa bahagi ng Flora, Apayao ang pick up lulan ang 13 katao at pauwi sana sa Brgy. Dana-ili, Allacapan.

Habang ang Florida Bus naman ay galing ng Baguio City at patungong Sta. Ana, Cagayan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).