BIGO ang Philippine Automotive Sales na maabot ang target noong 2025.
Sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), umabot lamang sa 463,646 units ang naibenta noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Mas mababa ito ng 0.8 percent kumpara sa 467,252 na naibentang mga sasakyan noong 2024.
Kung isasama ang iba pang industry data, sinabi ng CAMPI na umabot sa 491,395 units ang total vehicle sales noong nakaraang taon, na mas mataas ng 3.7% mula sa 473,842 noong 2024.
Sa buwan lamang ng Disyembre, nakapagbenta ang CAMPI-TMA members ng 42,870 units, na mas mataas ng 2% mula sa 42,044 units noong Dec. 2024.




