INANUNSYO ng lokal na pamahalaan ng Arteche sa Eastern Samar na magsisimula nang mag-operate ngayong buwan ang bagong tayong halfway house na Susan E-Center o Sustainable-Nutrition and Nanay Empowerment Center.
Sinabi ni Arteche Vice Mayor Rolando Boie Evardone na magsisilbi ang pasilidad bilang pansamantalang kanlungan ng mga buntis, partikular ang mga galing sa malalayong komunidad na malapit ng manganak.
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Aniya, ang mga ina na malapit nang magsilang at walang matutuluyan habang naghihintay ng kanilang panganganak ay maaring pansamantalang tumira sa center sa loob ng hanggang isang linggo, depende sa kanilang scheduled delivery.
Tatanggapin din ng Susan E-Center ang mga bantay o guardians ng mga pasyente na nangangailangan ng disente at ligtas na mapagpapahingahan.
Ang mga ina na manganganak sa health facility ay makatatanggap ng isanlibong piso at grocery items, habang ang nag-assist na barangay health worker o birth attendant ay pagkakalooban naman ng tatlundaang piso.
