BINAWI ng Civil Society Organization na Tindig Pilipinas ang ikalawang impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa halip, sinabi ng grupo na susuportahan na lamang nito ang ikatlong impeachment complaint na naglalaman lang din naman ng parehong mga alegasyon at substantial evidence.
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
Ayon sa pahayag, sa pagsuporta nila sa ikatlong reklamo, inaasahang mas mapapalakas pa sa kaso at makararating sa impeachment court ng Senado.
Sinabi ng grupo na naniniwala silang kailangang maisulong ang impeachment process sa lalong madaling panahon.
Dapat umanong maiwasan ang procedural limbo at mga hindi kailangang delay.
Sa huli, nanindigan ang Tindig Pilipinas na dapat managot si VP Sara sa pandarambong at pang-aabuso sa kapangyarihan.
