BUMILIS sa 2.5 percent ang headline inflation o ang pagtaas presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa noong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) naitala ang 2.5 percent inflation rate noong nakaraang buwan na mas mataas sa 2.3 percent noong Oktubre.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Nobyembre 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.
Kabilang sa tumaas ang presyo ay ang vegetables, tubers, kamatis, isda at iba pang seafood.
Tumaas din ang presyo ng karne, partikular ang karne ng baboy.
Nakapagtala din ng pagtaas sa presyo ng “transport” partikular ang presyo ng gasolina at diesel.
