Nakahanda na ang mahigit 263,000 Family Food Packs na nagkakahalaga ng 242.53 million pesos para sa mga maaapektuhan ng bagyong Julian sa Northern Luzon.
Inihayag ng Presidential Communications Office, na may naka-standby nang mahigit 75,000 food packs na nagkakahalaga ng 56.13 million pesos sa Ilocos Region, at mahigit 123,000 food packs na nagkakahalaga ng 136.15 million pesos para sa Cagayan Valley.
Mayroon ding mahigit 64,000 food packs na nagkakahalaga ng 50.24 million pesos para sa Cordillera Administrative Region.
Sa ngayon ay nakataas ang tropical cyclone wind signals sa malaking bahagi ng hilagang Luzon sa harap ng inaasahang pananalasa ng bagyong Julian.