HINDI bababa sa dalawampu’t apat ang nasawi makaraang bumaliktad ang sinasakyan nilang overloaded na bangka, sa Mai-Ndombe Province, sa Congo.
Ayon sa isang local official, inaasahang tataas pa ang death toll dahil marami pang mga pasahero ang nawawala.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Lulan ng bangka ang nasa dalawandaan at limampu hanggang sa tatlundaang pasahero nang bumaliktad ito makaraang tumama sa katawan ng puno na nasa ilalim ng ilog.
Nag-panic umano ang mga pasahero at napunta ang bigat sa kanang bahagi dahilan para hindi maging balanse ang bangka hanggang sa bumaliktad.
