BIGO ang Filipino Pole Vaulter na si Ej Obiena na madepensahan ang kanyang titulo sa ISTAF Indoor Dusseldorf, sa PSD Bank Dome sa Germany.
Isang beses lamang nakagawa ng clearance si Obiena sa buong tournament, kung saan nalagpasan nito sa unang attempt ang 5.55 meters, subalit hindi na nakatawid sa sunod na height na 5.75 meters
ALSO READ:
Pinoy Boxer Eumir Marcial, napasakamay ang WBC Title; tinalo ang Venezuelan Opponent sa Thrilla in Manila
Pinoy Boxer Eman Bacosa, nananatiling Undefeated kasunod ng Unanimous Decision Win laban kay Nico Salado
Alas Pilipinas, kinapos laban sa Iran sa Asian Youth Games
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 51 bago sumabak sa Hong Kong Open
Namayagpag naman sa naturang event ang hometown bet na si Torben Blech ng Germany, sa pamamagitan ng kanyang 5.80-meter outing.
Noong nakaraang taon ay nanguna sa ISTAF si Obiena na noon ay may national at asian records na 5.93 meters.
