15 March 2025
Calbayog City
Province

Miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Agusan Del Norte

PATAY ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Agusan Del Norte.

Ayon sa 23rd Infantry Battalion, nakasagupa ng kanilang mga tauhan ang hindi batid na bilang ng mga rebelde sa Sitio Calaitan, sa Barangay Simbalan, sa bayan ng Buenavista.

Sinabi ng militar na isinumbong sa kanila ng mga residente ang presensya ng mga pinaghihinalaang rebelde sa lugar.

Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan hanggang sa iwan ng mga rebelde ang napaslang na kasamahan.

Narekober din ng mga sundalo ang tatlong armas na kinabibilangan ng dalawang M16 Rifles at isang Cal. 30 Carbine.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *