NAGPADALA na si Interior Secretary Jonvic Remulla ng mga pulis sa Cambodia para tugusin si gaming tycoon Charlie Atong Ang.
Ayon kay Remulla, patuloy ang koordinasyon nila sa kanilang foreign counterparts at verification kung nasa Cambodia nga ang puganteng negosyante.
Ito ay batay na rin sa naging pahayag ng dating kanang kamay ni Ang at ngayon ay testigo sa kaso na si Julie “Dondon” Patidongan.
Sa nakalipas na dalawang linggo sinabi ni Remulla na aabot sa labingwalong lokasyon sa Pilipinas ang sinalakay ng mga otoridad pero bigo silang matagpuan si Atong Ang.




