MATAGUMPAY na naisagawa ang operasyon para sa Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sa kanyang social media update, ibinahagi ni Kris ang kanyang litrato, kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby na nasa kanyang tabi.
ALSO READ:
Selena Gomez at Benny Blanco, ikinasal na!
Jessica Sanchez, tumanggap ng Standing Ovation sa kanyang ‘Die With A Smile’ performance sa ‘America’s Got Talent’
Ate Gay, sasailalim sa chemo at radiation therapy sa tulong ng anonymous donor
Tom Holland, isinugod sa ospital matapos magtamo ng Injury sa Set ng ‘Spider-Man’
Sa Instagram post, sinabi ni Kris na marami na silang pinagdaanan, kasabay ng pasasalamat sa mga nag-alay ng panalangin para sa kanya.
Noong Martes ay umapela ng dasal si Kris bago sumalang sa operasyon, hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa kapakanan ng kanyang dalawang anak.
Isiniwalat din niya na mula sa kanilang Compound sa Tarlac, ay nakatira sila ngayon sa isang Private Residences sa Makati.