PINASINAYAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bago at pinakamalaking Solar-Powered Pump Irrigation Project sa Brgy. Cabaruan, Quirino, Isabela.
Umaasa si Pangulong Marcos na ngayong natapos na ang proyekto, mapapataas na ang produksyon ng produktong agrikultura sa lugar dahil sa maayos na ang irigasyon.
Nasa P65.77 milyon ang inilaang pondo sa proyekto na sinimulang gawin noong Hulyo 2023 at natapos noong Pebrero 2024.
Binubuo ang pumping station ng 1,056 solar panels at kayang makabuo ng total wattage output ng 749,200 watts, may dalawang unit ng submersible pumps na may output discharge capacity na 12,800 gallons per minute.
Kaya nitong bigyan ng irrigation water service ang nasa 350 na ektaryang lupang sakahan.