LUMAGPAS sa 2025 ceiling ang budget deficit ng National Government matapos hindi maabot ng main tax agencies ang kanilang collection targets at bumagal ang state spending bunsod ng corruption scandal.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumawak ang budget deficit ng 4.68% o sa 1.58 trillion pesos noong 2025 mula sa 1.51 trillion pesos noong 2024.
Lagpas ito sa 1.56-trillion peso Deficit Ceiling na itinakda ng Development Budget Coordination Committee para sa taong 2025.
Lumabas din sa datos ng Treasury na bahagyang tumaas ang revenue collection ng 0.78% o sa 4.45 trillion pesos na mas mataas kumpara sa 4.42 trillion pesos na nakolekta noong 2024.




