MULING tumanggi si Dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves na magpasok ng Plea sa Murder Case na kinasangkutan nito noong 2019, dahilan para ang Korte sa Maynila ang naghain ng Not Guilty Plea para sa kanya.
Personal na humarap ang dating mambabatas sa Manila Regional Trial Court Branch 15, ilang linggo matapos itong sumailalim sa Appendectomy.
Ang Arraignment at Pretrial kahapon ay kaugnay ng pagpaslang sa isang Provincial Board Member noong 2019.
Sinabi naman ng abogado ni Teves na si Ferdinand Topacio na dinismis na ng Department of Justice (DOJ) ang naturang kaso, kasunod ng Preliminary Investigation.
Iginiit din ni Topacio na lahat ng akusasyon sa kanyang kliyente ay Politically Motivated.