Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na pinayagan ng korte ang petisyon para sa ‘medical furlough” ni Kingdom of Jesus Christleader Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, ito ay dahil sa nararanasang “irregular heart beat” ni Quiboloy.
ALSO READ:
Goitia: Ang Pagprotekta sa Pangulo ay Pagprotekta sa Republika
Dating Senador Trillanes, kinasuhan ng Plunder at Graft sina Dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go
Mandatory na pagsusuot ng Face Masks, hindi pa kailangan sa kabila Flu Season, ayon sa DOH
One RFID, All Tollways System, inilunsad para mabawasan ang Delays sa biyahe
Dinala si Quiboy sa Philippine Heart Center noong Nov. 8 at doon muna ito mamamalagi.
Sinabi ni Fajardo na habang nasa ospital, sasailalim si Quiboloy sa iba’t ibang test gaya ng 2D Echo, Stress Test, Blood Chem at iba pa.
Ani Fajardo dati ng sumailalim sa heart procedures si Quiboloy kaya para matiyak na hindi maging delikado ang kaniyang kondisyon ay minabuti ng kampo nito na maghain ng petisyon para sa “medical furlough”.