3 July 2025
Calbayog City
Metro

2 Korean Nationals, arestado sa pagnanakaw sa Paranaque City

NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang Korean nationals bunsod ng umano’y robbery, coercion, at  grave threat, sa Paranaque City.

Kinilala lamang ang suspek sa kanilang mga alyas na Geon at Park, kapwa bente otso anyos.

Ayon sa biktima na si alyas Changyeon, trenta’y singko anyos, pinagnakawan siya ng mga suspek ng 140,000 pesos at isang cellphone.

Sinabi ni Changyeon na pinatuloy niya pansamantala sa kanyang condominium sa Barangay Tambo si Geon dahil wala itong trabaho at bahay.

Gayunman, pinapasok ni Geon ang kasabwat na si Park sa condo, saka sinaktan at pinagnakawan ang biktima.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).