INARESTO ng mga awtoridad ang sampung Chinese nationals na umano’y sangkot sa illegal POGO, sa Clark, Pampanga.
Isinilbi ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang pitong search warrants sa iba’t ibang villas, townhouses, at units sa loob ng isang exclusive community sa loob ng Clark Freeport and Special Economic Zone.
Kinumpiska ng mga awtoridad ang mga computer, gadgets, cellphones, at safety vaults na pinaniniwalaang ginagamit sa illegal POGO operation.
Nakatakda namang iturnover ang mga dinakip na dayuhan sa Bureau of Immigration para sa profiling at verification.