PUMAYAG ang rice industry stakeholders na itakda ang buying price ng wet and dry palay sa 17 pesos at 21 pesos per kilo, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni DA spokesperson Arnel De Mesa na ang naturang presyo ay ipatutupad sa iba’t ibang lugar hanggang sa kasagasgan ng pag-aani sa Abril.
ALSO READ:
Mahigit 516 million pesos na halaga ng mga iligal na sigarilyo, kinumpiska ng BIR
Balance of Payment position, naitala sa 5.66-billion dollar deficit noong 2025
Foreign Debt Service Bill, bumagsak ng halos 23% noong katapusan ng Oktubre
Bagong Batangas at Iloilo Economic Zones, inaprubahan ni Pangulong Marcos
Ayon kay De Mesa, pagsusumikapang bilhin sa 17 pesos at 21 pesos ang palay ng mga magsasaka, partikular sa Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Bulacan, Ilocos, at sa Central Luzon.
Ipinaliwanag ng agriculture official na ang pagpapanatili ng presyo ng palay sa ganitong lebel ay magtitiyak sa matatag na presyo ng bigas sa merkado.
