BUMABA ang kita ng state-run operator ng LRT-2 noong 2025.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), inaasahan nilang bababa pa ang kanilang revenue mula sa fare collection hanggang taon.
ALSO READ:
Batay sa preliminary data, umakyat ng 10% o sa 58.75 million ang passenger traffic ng LRT-2 noong nakaraang taon mula sa 53.29 million noong 2024.
Gayunman, bumagsak ng dalawang porsyento o sa 1.25 billion pesos ang revenue collection ng LRTA mula sa 1.27 billion pesos noong 2024.
Iniugnay ni LRTA Administrator Hernando Cabrera ang pagbagsak ng kanilang kita sa ipinagkaloob na mas malaking discounts at Libreng Sakay Program.




