TILA hindi apektado ang aktres na si Kim Rodriguez sa tsismis na nagli-link sa kanya kay Re-elected Bulacan Gov. Daniel Fernando.
Ito’y matapos sagutin ni Kim ang mga komento ng netizens nang magaan at may kahalong pagbibiro.
Kris Aquino, sasailalim sa Isolation sa loob ng 6 na buwan
Charo Santos, ibinahagi ang kanyang Fangirl Moment kay Hyun Bin sa pagbisita ng South Korean Superstar sa Pilipinas
SB19, magre-release ng Physical Disc ng ‘Simula at Wakas’ sa Japan
Jihyo at Tzuyu ng TWICE, bibisita sa Pilipinas bago ang kanilang concert sa Oktubre
Inulan ng mga komento ang Tiktok page ng aktres dahil sa hinalang may relasyon sila ng gobernador matapos kumalat ang litrato nila na magkasama at naka-pose sa harap ng isang luxury car at may hawak pang mga bulaklak si Kim.
Sa isa sa kanyang videos, idinaan nalang ng trenta anyos na aktres ang saloobin sa pag-lip-sync ng kanta ni Leona Lewis na “Bleeding Love.”
Samantala, isang netizen naman ang ipinagtanggol si Kim at sinabing wala namang masama kung may relasyon ang dalawa dahil single naman ang 63-year-old na gobernador.