IGINIIT ni Albuera, Leyte Mayoralty Candidate Kerwin Espinosa na politically motivated ang pamamaril sa kanya habang nangangampanya na nagresulta sa kanyang pagkakasugat.
Ginawa ng kandidato ang pahayag matapos ituring ang pitong Ormoc City police officers bilang persons of interests sa insidente.
ALSO READ:
9K Fuel Subsidy Cards, ipamamahagi sa mga mangingisda sa Eastern Visayas
Inisyal na dayalogo sa timbol drivers, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Sinabi ni Espinosa na tumatakbo ring mayor sa albuera ang bilas ni Cong. Richard Gomez na si Vince Rama.
Gayunman, inihayag naman ng supporter ni Rama na si Ronilo Del Rosario na isang molotov bomb ang ibinato sa kanilang headquarters noong Biyernes ng umaga.
Una nang inanunsyo ng PNP ang pag-alis kay Ormoc City Police Chief, Colonel Reydante Ariza bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon.
