Hindi nakapaglaro si Lebron James sa home game ng Los Angeles Lakers sa laban nila sa Portland Trail Blazers kahapon bunsod ng calf contusion.
Noong Sabado ay natuhod ni Kevin Durant ang binti ng trenta’y otso anyos na NBA Superstar sa laban ng Lakers kontra Phoenix.
Sa kabila naman nito ay naipanalo ni James ang laro laban sa Phoenix subalit ininda nito ang nananakit na binti.
Sa kanyang 21st NBA season, pinangungunahan ni James ang Lakers sa kanyang 25.2 points per game, kabilang ang 8.4 rebounds at 5.4 assists.