8 July 2024
Calbayog City
Overseas

US Secretary of State Antony Blinken nasa Japan para sa G7 Foreign Ministers Meeting

NASA Japan si US Secretary of State Antony Blinken para sa meeting ng Group of Seven Foreign Ministers.

Hindi nagbigay ng komento si Blinken pagdating nito sa Tokyo para sa dalawang araw na pulong, mula sa kanyang mabilis na pag-i-ikot sa Middle East kaugnay ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Bukod sa Israel-Hamas war, nakatakda ring talakayin ng Ministers mula sa G7 na kinabibilangan ng United States, Japan, France, Britain, Italy, Germany at Canada, ang kaguluhan sa Ukraine, pati na ang relasyon ng mga bansa sa China.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *