NAUWI sa pagbisita sa police station ang pagbabakasyon ng aktres na si Kaye Abad at ng kaniyang pamilya sa Las Vegas.
Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Kaye na nanakaw ang kaniyang bag habang nasa loob ng kotse.
ALSO READ:
Kasamang nakuha ang lahat ng kaniyang ID at dalawang passport.
Ayon kay Kaye, isang oras lamang sila nag-lunch at pagbalik sa sasakyan ay wala na ang kaniyang gamit.
Sa kabila nito, positibo pa din ang aktres.
Aniya, nagpapasalamat na lamang siya na walang nasaktan sa kanila.




